Maynila. May trapik.
Ang trapik na naman kanina sa Roxas Blvd. Magkakahalong gutom, pagod at yamot ang naramdaman ko kanina kasi mukhang matatagalan pa bago ako makauwi. Medyo hindi pa Promil child yung driver ng FX kaya hindi niya naisip na marami namang daan palabas ng Roxas Blvd para makaiwas sa traffic. Kaya ayun, imbes 30 minutos lang ang biyahe ko, mahigit isang oras.
Medyo sanay na naman ako sa galaw ng trapiko sa Maynila. Ala-manghuhula na nga yata ako mag-predict kung saan at kailan mangyayari ang trapik. Siguro kasi halos araw-araw ng buhay ko paroo't parito akong nagbibiyahe sa Maynila bilang isang commuter.
Iba-iba rin ang dahilan ng mabigat na trapik sa Maynila. Nangunguna na diyan ay ang rush-hour. Minsan mga drayber na tigas-mukha. Minsan naman kapag maulan, asahan mo sasalubong sayo e nakaka-kunsuming trapik. May mga panahon namang para kang binagsakan ng sampung libong sasakyan tulad ng pasukan sa eskwela, uwian sa probinsiya dahil holiday. Minsan naman ang tanging sanhi lang ng trapik ay ang tauhan ng MMDA na pinatay ang traffic light at nagmarunong sa pagtrapik. My gadd! Di ka ba naman ubanin!
Sanay na ako Roxas Blvd kung saan dumadaan ako galing Tondo papasok sa opisina sa Makati. Ito ang lugar na laging may happening. Nandun ang Luneta Grandstand kung saan samo't-saring krusada, konsiyerto, annibersaryo, parada at pag-aalsa ang ginaganap. Dadaan ka din sa U.S. Embassy na madalas may mga nakaparadang mga sasakyang pandigma, yung tipong akala mo gyera na sa Pilipinas. Madalas din nakaparada ang naglalakihang truck ng ABS-CBN o GMA. Minsan halos kalahating oras kaming na-trapik mula pier. Sobrang bigat talaga at usad-pagong ang mga sasakyan. Pagdating ng U.S. Embassy, nandun si Love AƱover, isang reporter sa programang Unang Hirit ng GMA. Sumasayaw-sayaw habang hawak ang mikropono. Natural na bumabagal ang mga usyosong sasakyan pagtapat sa kanya. Siya pala ang sanhi ng trapik, grr!
Dito sa Maynila, given na ang traffic. Constant kumbaga. Kaya kung mainis ka, talo ka.
Hindi ko sinisiraan ang Maynila. Kahit sobrang trapik dito minsan, masaya ang lunsod na ito! Dito ako pinangangak at lumaki. Natutunan ko nang mahalin ang mga maganda at di-maganda nitong katangian. Kabisado ko ang pulso ng mga mamamayan nito. Kilala ko ang puso nila. Alam ko na kahit ganito ngayon ang Maynila, dadating ang araw maaayos din ang lahat. Lalo na ang daloy ng trapiko.
Unti-unti lang yan. Dahan-dahan. Pasasaan ba't uunlad din ang Pilipinas.
Friday, February 03, 2006
Posted by Pinoy Pan de Sal at 11:04:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
I'm pretty sure pagbalik ko maninibago ako. Pero gusto ko pa rin bumalik lalo na sa Manila. Sa Quiapo, sa Tutuban, Divisoria...mga lugar na trip na trip ko puntahan nung nag-aaral pa ako. Katulad ng sinabi ng asawa ko, madumi daw ang manila at ma-traffic. pero can't deny it..I keep coming back to manila, i keep coming home :)
ive never been there to experience it..pero mukha ngang nakaka high blood ang traffic (na napapanood sa tv).. uunlad din tayo!! :)
china, sa makati may loading and unloading spots talaga kaya medyo maayos. sana i-apply sa manila :-)
patrice, mukhang galang-gala ka hehe... siguro sa tutuban at divisoria mo pinasyal ang asawa mo kaya nya nasabi madumi manila hahaha!
turtle, nakaka high-blood nga. pero tulad ng sabi ko, pag mainis ka - talo ka :-)
Basta ako, miss ko ng ang traffic at pollution! Hehe.
Jayred, basta ako, miss na kita! Heheee~
Post a Comment