Saturday, February 18, 2006

Kamukha ko [daw] si Mandy Moore

O huwag muna mag-react! May kwento pa ako...

Habang mag-isang nagsusuklay sa ladies comfort room, isang middle-aged mommy ang pumasok.

Mommy: Wow! Ang ganda naman ng height mo, hija!
Me: (Gulat na napangiti) Thank you po.
Mommy: Patingin nga... wow! Anong height mo, hija?
Me: 5'6" po.
Mommy: I'm not flattering you ha. Totoo sinasabi ko.
Me: Thank you po.
At nag make-up na siya habang nag susuklay pa din ako. Maya-maya kinausap na naman niya ako. Di ba usually sa mga public restrooms nagtataasan ng kilay ang mga babae habang sinusulyapan ang brand ng make-up ng isa't-isa. Pero iba ang mommy na ito.

Mommy: Alam mo kamukha mo si Mandy Moore.
Me: Thank you po. (Sabay ngiti. Di ko na kaya, nahiya na talaga ako.)
Mommy: Napanood mo ba yung A Walk to Remember?
Me: Opo. Nakakaiyak nga yun e...
At inexplain nya kung sino si Mandy Moore, inisa-isa niya ang mga pelikula nito at mga kanta. Sinigurado niya na kilala ko si Mandy Moore. Well-informed at well-updated itong si mommy. Siguro may mga anak siyang teenagers.

Mommy: Totoo yan, hija. Nakikita ko sa'yo si Mandy Moore. Siguro pagupit ka lang.
Me: Talaga po? Na-encourage naman ako.
Mommy: Oo. Di kita binobola.
Me: Thank you po. (Hanggang tainga na ang ngiti ko)
Sabado ang pinaka-challenging kong araw. Bukod sa ito ang araw na said na said na ang energy ko, ito din ang araw kung kailan pumapasok ako sa web classes ko. Nasa advanced Flash na kami ngayon kaya for a beginner like me, minsan di ko makayanang i-absorb lahat ang pinag-aaralan namin. Kaya pagkatapos ng encounter na yun with the mommy parang na-energize ako. Buong araw akong nakangiti dahil sa kanya.

Malaki talaga ang nagagawa ng encouraging words. Nakakataba ng puso, nakakatanggal ng pagod. Thank you po, mommy from the ladies room. Sana makita ulit kita. You brightened up my confusing day!

Makapag-pagupit na nga! Hehee~






* * * * *

May part 2 na!

6 comments:

Anonymous said...

insan sabi ko sau e kamukha mo nga si mandy moore. minsan kamukha mo si julia stiles minsan si mandy. may similarity kasi sila. pero mas lamang si mandy

Mel said...

Wow! artistahin talaga! Manatiling maganda kapatid! ;)

Anonymous said...

i was never wrong with this. kamukha mo talaga sha ate gi! huwaw naman ha!!! sama mo'ko sa haliwud ha.

te gi! miss na kita. hehehe

Anonymous said...

dapat lang noh! diba't mga artistahin ang mga staff sa President's Office?!

Anonymous said...

Para sa akin, mas maganda ka kay Mandy Moore! :-) (Wag kang mag-alala, di ako pagagawa ng website ng libre, hehe.)

Ang kamukha mo ay si Julia Stiles, actually.

turtlepace said...

mas humaba siguro ang hair mo habang nagsusuklay..hehe
totoo artistahin ka nga,
sample mandy birit nga...:)