Desisyon, desisyon!
Habang nagmamadaling palabas ng opisina kanina, sinalubong na naman ako ni Dean of Students ng tanong.
"Nagdesisyon ka na bang handa ka nang pumasok sa isang relasyon?"
Huh! Saan na naman niya nakuha ang ganitong tanong?
Katulad ng dati, tinawanan ko lang siya at pinilit magbitaw ng "safe answer." Pero tulad din ng dati napag-isip na naman ako hanggang sa bus at sa fx. At habang kasama ko ang mga kaibigan kong kumakain sa Mangan sa Robinsons Ermita, yun pa din ang nasa isip ko. Bakit? Kailangan bang desisyunan ang pagiging handa? Hindi ba't pinagsisikapan yun hanggang dumating ka sa estado ng buhay mo na handa ka na? Argh! Bakit ba kasi nakasalubong ko pa itong si Dean!
Pero sa kabilang dako, mabuti din may mga ganitong tanong na sumasampal sa akin. Di ko kasi talaga naiisip ang mga ganitong isyu sa buhay ko. Siguro masyado akong abala sa mga bagay na hindi naman talaga importante, mga kaisipang wala naman talagang bigat kung titimbangin.
Panahon na nga sigurong magdesisyon.
Hayaan mo Dean, babalikan kita diyan sa tanong mo. At sa mga susunod na araw sasabihin ko sa iyo ang napagdesisyunan ko.
Friday, October 28, 2005
Posted by Pinoy Pan de Sal at 10:24:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
Nalalabuan ako sa tanong ng Dean. LOL.
Siguro may kilala siyang gustong manligaw sa yo.
Teka, lalaki ba siya at single?
Sinabi mo, jayred! Medyo malabo nga e, paki-iisip naman kung anong ibig sabihin hahaha! Hayaan mo tatanungin ko ulit :-)
Lalaki siya pero he's married. Don't worry concerned lang talaga siya, itinuturing ko siyang isang tatay kaya pinag-iisipan ko kapag may sinasabi siya sa akin.
hi! blooming yata lovelife natin, uyyy..hehe
nagbakasyon ka ata sa pag ba blog hmmm..
excited ako sa mp3 mo hehe please send it to me..pano ba i send?
pwede i add kita sa yahoo messenger?
nge! di nga e.. kaya concerned ang kinauukulan hehe... send ko sayo through ym na lang. add mo ako, now na hehe! gigigallano username ko :-)
Ate gee! gusto ko din malaman response mo... :-)
ako din e, gustong-gusto ko malaman hehe.. miss u bong!
Oo nga, ang labo ata ng tanong tsaka out of the blue? ano yun?
asuuuuuuuuuuuuuuuuuu!!!!! dog! aw!aw!aw! he!he!he! *big grin*
patrice, kasinglabo ng putik kapag inulan ang bagong hukay na kalsada!
almelyn! meow, meow! :-)
pakiramdam ko make-kwento mo ito te gi mamaya bago tayo matulog... hehehe.. buti na lang pala chineck ko muna 'tong blog mo... ΓΌ
Gusto ko ito himay himayin bago uli ako mag-comment, hehe. :-)
Hi, Ghie! Wala ba tayong update dito? Maybe a follow-up entry nito? Hehe.
Have a nice week! Contribute ka naman ng article regarding the radio conference sa Christian Cafe or Faith Works (http://pinoysphere.com/christiancafe/), a news and features portal for the global Christian community. Naks, ganda pakinggan no? Kala mo totoo. LOL. God bless your heart!
Post a Comment