Saturday, September 17, 2005

Kapag Madasalin...

May mabigat akong problema noon. Di ko na maalala kung tungkol saan yun, basta naaalala ko lang na matindi ang pagdadasal ko.

"Lord, alam kong mahirap maintindihan ang mga nangyari pero pipilitin ko po... "

Mula pag-alis ng bahay, hanggang eskwela patuloy akong nagdadasal. Iyong dasal na tipong nakadilat ka pero taimtim mong kinakausap mo si Lord. Kaya halos di ko naintindihan ang mga tinuro ng teacher ko.

"Lord, huwag mo pong hayaan na..."

Breaktime na at ang saya ng tawanan ng mga klasmeyt ko, habang nakapila kami sa canteen at naghihintay sa mga burgers na niluluto on-the-spot. "Hahaha! Bla bla bla" Pero deep inside...

"Lord, hindi ko pong gustong kulitin kayo pero..."

Hanggang pagsakay ko ng jeep pauwi, talagang patuloy ang pagdadasal ko. Binibilang ko ang barya pambayad ng pamasahe, at inabot ko sa driver...





"Lord, bayad po."





Napangiti na lang yung tsuper sa akin sabay inabot yung bayad ko. Habang natutunaw naman ako sa upuan ko, nginitian ko na rin yun ibang pasahero. Wala na akong ibang magawa napahiya na ako :-) Buti na lang konti lang kaming sakay ng jeep.

7 comments:

Anonymous said...

talaga te gi! ang kulit nun ha... buti na lang pag kasabay kita sa LRT walang ganung insidente... hehehe...

Anonymous said...

Hello po napadaan at nangiti sa kwento mo. Buti hindi simagot si Lord..."sukli mo". Hehe. Pa-link po :)

turtlepace said...

lol kulit din pala nito..

Mel said...

:lol: ang kulet! ako naman minsan sabi ko sa driver instead of para eh, "ba-bye mama" he!he!he!

Anonymous said...

LOL! Nangyari din sa akin yan, Ghie. Kaya di ka nag-iisao. :-)

Pinoy Pan de Sal said...

apol, di mangyayari yun kasi card na bayd sa LRT hehe..

sunshine, kapag si Lord sumagot -- the best na talaga yun! :-)

hi turtle! :-)

almelyn, feeling close kayo nung driver ahihihi..

jayred, salamat at may kasama ako hahaha..

Anonymous said...

Wala pa tayong update, Ghie? Miss ko na ang mga blog entries mo!

Happy weekend!