Sportslife!
Madalas ang pag-siswimming ko ngayon sa YMCA. Mahilig talaga akong mag-swiming. Kung naniniwala lang ako sa re-incarnation, tiyak na dolphin ako nung past life ko. Madalas ko ngang iniisip kung anong meron sa tubig at masyado akong at home sa kanya. Matagal akong maligo sa umaga kasi enjoy na enjoy akong maligo, kahit pa maginaw. At kahit pa may payong ako, mas pinipili kong magpa-ambon o tuluyang magpa-ulan. Iba lang talaga ang feeling ko pag nararamdaman ko ang mga patak ng ulan sa balat ko. Kaya nung tinuro sa akin ng kaibigan kong si GB yung YMCA pool di ko na tinantanan yung tubig. Bawat padyak at hawi ko habang lumalangoy, lalo akong nare-relax... nae-energize. 1-2-3-4 inhale!
Sa taas naman ng pool ay ang Badminton City. Noon nagtataka ako kung ano ang meron sa Badminton at maraming addict dito ngayon dito sa Manila. Ngayon nasubukan ko na siya, parang addict na din ako. Buong katawan mo gumagana lalo na ang utak. Gusto ko na nga siyang karerin (gawing career). Salamat kay RR na matiyagang nagtuturo sa amin. Sobrang tiyaga niya na kahit kumakain kami sa resto pinagpa-practice niya kami ng forehand at backhand gamit ang kutsara hehe... "Forehand!" "Backhand!"
Competitive nga pala ako. Posibleng makalimutan mo ang isang side ng karakter mo kapag matagal mo nang hindi nararanasan. Physically active kasi talaga kami sa family. Yung mga pinsan ko sa Sorsogon madalas nakakasali sa Palarong Pambansa. Ako naman, mula pa noong elementary hanggang high school years talagang involved ako sa sports, una sa cheering squad tapos tuluyang naging player na din ako. Noong college, muntik na akong mag-try out sa soccer kaya lang wala pala akong pambili ng shoes. Super ultra cool ang soccer shoes kaya super mahal din siya.
Ah basta masaya lang ako dahil may sports life na naman ako. Salamat kay IT na patuloy na nag-iimpluwensiya at nag-eencourage sa akin sa sports. Kina MT at GL na nangulit at nagpumilit sa akin, salamat din!
Note:
YMCA Manila
7 Sacred Heart Plaza St., Manila, Philippines
RATES
Swimming Pool P75 (open from 8-5)
Badminton Court P80 (play all you can)
Tuesday, November 15, 2005
Posted by Pinoy Pan de Sal at 5:58:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Hay salamat at may update na rin. LOL. Nagkaroon ako ng withdrawal symptoms nang matagal kang nawala sa blogosphere. Yun pala pa-swimming swimming at pa-badminton badminton ka na lang dyan. :-) Ok a. Ako ang "sports" ko ngayon ay household chores. Sakit likod ko grabe. LOL.
Badminton at pingpong tayo pag uwi ko dyan ha. God willing sa Feb or March. :-) Hello from UM.
p.s. O gawing regular ang pag-update ha para naman namiministeran ako parati. :-)
Sensya na po, hahaha! May event kasi kami, yung Redeem the Airwaves kaya naging sobrang busy din ako. Disoriented na nga ako e :-)
Talaga uuwi ka, yehey! Kasama ba si Uncle M?
O pagbutihin ang household chores hehe! :-)
naks! k yung mga mo ah! RR, IT... hehe. nice to know you are really enjoying sports.hehe
huwaw! nakaka-inspire. kaya pala maayos ang pangangatawan eh... nyahaha... salamat muli sa espesyal na pabaon. ;p
wow! sana ako 'den sporty! how I wish! asthmatic kasi ako since 1 year old pa lang ako. Bawal akong mapagod, lagi akong may asthma attack. Pero favorite ko ang volleyball, gusto ko deng matutong lumangoy kaya lang natatakot ako sa tubig kasi 'nung bata pa ko palagi akong "nilulunod" sa dagat sabi kasi nila pampaalis daw 'yun ng hika! tsk!
naging cheer leader ka pala friend...ang galing...
yan magandang activities yan...nakakatuwa naman...how i wish ganoon din me...tamad kasi me e...sige try ko mag-sports din...hehehe
glenn(tsina)
wow si ate di lang pang flickr...pang isports pa! galeng...active ka pala sa mga pawising hobbies..eheheh kaya mahilig ka rin magbabad sa tubig,para kang si dyesebel...
helow gi,first time ko sa site mo,katuwa naman...subukan ko tumambay dito para mabuking ka sa mga pinagbibisihan mo ; p
-jolengs
madonna, enjoy ko talaga kasi kalaro kita sa bdmntn! position!
appled, minsan sama kita at yung mga girlash jan sa tcc.
almelyn, i'll teach u how to swim. madami na ko tinuruan at kahit papano buhay pa sila haha!
glen, ingat sa jan china. d ba madami magaling magbadminton jan? :-)
kuya jolengs, wala akong masabi sa comment mo hahaha! kakatuwa ka! :-) sige daan-daan ka lang dito ha.. hope to see u soon ka-flickr. :-)
Post a Comment