Saturday, September 29, 2007

Babae po ako ;-)

Pasado alas diyes na ng magkaroon ako ng pagnanasang kumain ng barbecue. Itong barbecue na tanging nabibili lamang sa kanto ng kalye Fernandez ay bukod tangi ang sarap kaya kahit alanganin nang lumabas para sa isang babaeng tulad ko ay tuloy pa rin ako.

Maulap ang gabi na iyon. Maya-maya ay umaambon. Ang kalye Fernandez ay sampung minutong lakad pa ang layo sa bahay namin. Mabuti na lng nandito yung pinsan kong si Marco kaya sinamahan niya akong bumili.

Si Marco na tunog matipuno ang pangalan ay miyembro ng ikatlong kasarian. Oo siya ay isang bading. Mula pa ng maliliit kami siya na ang lagi kong kalaro ko sa probinsiya. Sabay kaming namimitas ng mga bulaklak, isasabit sa buhok at magkukunwari kaming nasa parada ng Miss Universe.

Kung ako'y medyo “boyish” kumilos, si Marco ay tunay na “demure” Matimtimang bading ang pinsan kong ito. Mahaba ang buhok, payat at matangkad sa akin ng ilang pulgada. Habang naglalakad kami’y pansin kong mas kilos babae pa siya sa akin.

“Ano ka ba, Gigi? Mas babae pa sa’yo itong si Marco!” Sabi ko sa sarili.

Kaya naman ng maulang gabi na iyon pinilit ko na maglakad at ilabas ang kembot sa balakang ko. Hinayaan kong lipad-liparin ng hangin ang buhok ko habang dahan-dahan kong ibinabaling kaliwa’t kanan ang ulo ko. Nadaan kami sa isang grupo ng mga tambay at nagsigawan sila.

“Hoy mga bakla!!! Gabi na rumarampa pa kayo ha!!!”




Hahaha! Sabi na e. Kaya ayaw kong kumekembot.

7 comments:

Jayred said...

Hahaha! Bakla la na pala ngayon, Ghie. Ok yung punchline a. LOL

Happy Birthday!

dom lawrence, OSB said...

bwhahahahah- gie, namatay ako sa tawa nyan hah! nyahahahahahahah...

Arthur said...

Hahaha! Sa panahon ngayon, hindi na talaga natin masasabi. Minsan kung sino pa yung mas malakas kumembot, sila pa yung hindi babae. Hahaha! Pero di pa man kita nakikita, duda na talaga ako. Hahaha! joke lang po! Pabirthday na bati lang. Haha!

Happy birthday po!

Pinoy Pan de Sal said...

Grabeh na toohhh! Hahaha!!!

Ipapa-print ko ung birth certificate ko. Ipa-highlight ko ung sa gender. Hahaha!



P.S.
Thanks sa B-day greets!

snap said...

Hahahaha! ate Gi! Ngayon na lang ako nakapasyal dito sa blog mo at tuwang tuwa ako! hahahaha.

Buti na lang di ko ntry kumembot sa may Fernandez! Yun ba yung nakita kita sa labas ng TCC? :)

apoldu said...

nclick ko kagad. snap tuloy hehe.

Anonymous said...

Hi snap! Hehe! Yup. That was the night.

Gigi