Minsan nakakapagod kapag naiisip kong ang dami kong dapat gawin. Dapat maging magaling akong designer. Dapat maging magaling akong photographer. Dapat matuto na ako ng Flash. Dapat maging magaaling akong magsulat. Dapat mag aral na ako ng PHP. Dapat magaling akong magluto. Dapat magaling akong mag-english.
Sa pag-iisip ko ng mga dapat kong gawin mas marami pala ang hindi dapat gawin. Dapat di ako mang aaway kahit galit na ako. Dapat huwag maging prangka kasi baka makasakit ako ng damdamin. Nakakapagod kapag may gusto kang sabihin pero hindi pwede. Dapat huwag muna magpahinga kasi marami pang trabaho kasi mahuhuli sa deadline. Kahit itsismis ako ng kapwa ko dapat huwag lang magsalita. Kahit itulak ako sa LRT dapat huwag akong gaganti. Kahit muntik na akong mahulog sa riles sige lang. Ok lang. Pigilan ang damdamin.
Minsan naiisip ko. Uuwi na lang ako ng probinsya at magtatanim ng gulay. Tapos pag panahon ng anihan ginisang gulay lagi ang ulam ko. Kaya lang naisip ko din na hindi pala ako marunong magtanim. Pahirapan ko na naman ang sarili ko. Sa buong buhay ko kasi toge pa lang ang naitanim ko.
Iniisip ko kung ano ba talaga ang dahilan bakit masyado akong mahigpit sa sarili ko. Siguro kasi pinalaki ako na dapat mabait na tao ako. Sa trabaho dapat magaling ako sa lahat ng ginagawa ko. Dapat maganda ako. Dapat hindi baduy.
Mahirap di ba? Nakakapagod.
Ok lang naman siguro kahit hindi ako magaling. Ok lang kahit minsan hindi ako mabait. Iniisip ko nga ako lang yata ang nagpapahirap sa sarili ko.
Tuesday, April 17, 2007
Posted by Pinoy Pan de Sal at 10:24:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
sometimes i'm also living a life like "dapat ganito...dapat ganon...dapt etc."....hindi mo talaga maiwasan esp in this time being...nakakapagod talaga...but i'm always reminded that it's not really about me...it's about God my Creator...that's why i exist..
living in this world is really hard...the purpose of our lives isn't to see how much we can get away with and still be Christians... rather, it is to glorify God...
pursue what is good.. ><> ><> ><>
ate gi, maganda ka, magaling, at kakaiba. Nakakatuwa ka nga eh. super. Basta, you are way way so much special.
late reaction ako palagi. haha.
"Iniisip ko nga ako lang yata ang nagpapahirap sa sarili ko." -- Siguro nga. LOL.
Well, Ghie, you've got the looks, the talent, the "it" factor, and above all, you have Jesus in your heart. What more can you ask for, di ba? But I do understand what you mean.
At the end of the day, what's important is worshipping God in all that we are, in all that we have, and in all that we do. It reminds me of the song "Heart of Worship."
Godspeed.
Genfaith, isa pa yang nakakapagod - pursuing what is good. But you're right.
Apol, I am touched by your comment. Nakaka encourage talaga. Thanks. May squidball ka sa'kin.
Jayred, thanks. Naisip ko nga yun e. I agree with you about worshipping God. Pero I'm still trying to process these feelings. Eventually, I will reconcile them. Salamat.
*teary-eyed*
alam mo, ate Gi, pareho tau...kaya ata tau friends...
I am too hard on myself lots of times: Dapat may MA then PhD na ako, dapat perfectly edited yung work ko, dapat, organized yung week ko, dapat, may time ako for friends and family, dapat may time ako for ministry, dapat marami akong nabasang books ng magagaling na writer, dapat may sarili na akong libro ulet...
Pero tama observations mo...what is it that is really more important, when everything fades?
minsan ganyan din ako sa sarili ko... at one point i even realize that it is not trials and problems that makes my life difficult... it is just the plain old perfectionist in me that i myself is not able to please.
"Jayred, thanks. Naisip ko nga yun e. I agree with you about worshipping God. Pero I'm still trying to process these feelings. Eventually, I will reconcile them. Salamat."
Actually, nakaka-relate ako sa post na ito somehow. Actually, yung comment ko para sa akin mostly yun. :-)
Post a Comment