Friday, January 19, 2007

Dear Pilipinas,

Di ko na alam kung ano mararamdaman ko sa iyo. Madalas pinapasakit mo damdamin ko. Pero nakakabawi ka naman dahil madalas din tuwang-tuwa ako sa mga katangian mo. Minsan di ko na kaya ang mga bagay na ginagawa mo sa akin. Minsan naman laking pasalamat ko dahil sadyang ganyan ka.

Nakaka buang ang magmahal sa iyo, Pilipinas.

Mahirap kasi dahil hindi kita matimpla. Di ko alam kung saan ako lulugar. Mahal lang talaga kita kaya ako nagtitiis ng ganito. Kung hindi lang talaga baka matagal na kitang kinalasan. Sana... sana huwag maging huli ang lahat at matutuo kang magbago. Para din sa iyo iyan, para sa atin.

Ano ba ang plano mo sa buhay? Gusto ko lang naman malaman kung may kinabukasan ako sa piling mo.

Mahirap talaga magmahal. Totoo ang sabi nila na kapag mahal mo di mo kayang iwan. Pero di rin natin alam. Ang lahat ng damdamin may katapusan - lalo kapag kumakalam na tiyan.

Gigi

5 comments:

Anonymous said...

Grabe! Deep! Speaks lots of truths...

Anonymous said...

Tama si Arthur. Malalim itong post na ito.

Anonymous said...

yeah it's really deep, ang lalim at it's a real thing...well done my friend!

glenn

Anonymous said...

grabe te gi! nadama ko ang puso mo ah. Kaya natin yan.

Mabuhay ang Pilipinas!

Mabuhay!

hahaha. ngapala, nakausap ko siya kanina. Salamat daw sa pag-ibig mo, natutulungan mo daw siyang lumaban pa kahit hirap na hirap na siya. Wag ka daw lalayo.

:p

Anonymous said...

i feel the same.. sana hindi dumating yung time na lahat ng umaasa ay matutong bumitiw.