Ang Dahilan
At bigla na lang matatauhan ka.
Ang buhay natin hindi lang ganito: Lunes hanggang Biyernes papasok sa trabaho; Sabado mamamasyal; Lingo magsisimba. Meron pang dahilan kung bakit tayo nandito. Alam mo na ba kung ano ang dahilan ng buhay mo?
Kaarawan ko kahapon. Ika-limang araw na rin na walang kuryente sa lugar namin. Tigil muna ang kaabalahan sa paghahanda. Mabuti na lang dumating na ako sa punto ng buhay na ang pagiging masaya ng isang kaarawan ay hindi naka-depende sa dami ng handa. Masaya ako kahit walang handa.
Namatay din ang isang taong ginagalang ko mula pa ng teenager ako. Sabay na kaming lumaki ng mga anak nya. Isa sya sa mga tumutulong sa akin para makatulong ako sa iba. Kaya kahapon nagpunta ako sa burol nya.
Ngayon lang yun nangyari. Ang pagkabuhay at pagkamatay sabay kong ipinagdiwang. Pagkabuhay ko, pagkamatay naman niya. Habang nakaupo ako at tinignan ang kabaong niya di ko mapigilang mag-isip. Kapag dumating na ang oras ko at sinasagap ko na ang mga huling hininga - masasabi ko bang nabuhay ako ng tapat at ganap. Ngingiti ba ako at lilisan ng mapayapa dahil alam kong natupad ko ang dahilan kung bakit ako binigyan ng buhay ng Diyos.
Naitanong mo na ba ito sa sar ili mo? Kung hindi pa siguro panahon na para magtanong ka. Minsan nalalaman lang ang sagot kapag nagtatanong.
Makikita mo - bigla na lang matatauhan ka. Masarap ang natatauhan.
Monday, October 09, 2006
Posted by Pinoy Pan de Sal at 11:11:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
makabagbag damdamin...sabi nga sa commercial ng PCSO walang kupas...wala ka talagang kupas Ate Gi!!!i know pag lumisan ka na sa mundong ito(naks pangsoap opera) maraming makakaalala syo and they will be thankful coz you have touched their life!..dahil wala kang kupas!hehehe!HAPPY BIRTHDAY!
thanks maris. hayaan mo pag lumisan ako sa mundong ito mumultohin kita awooooo... hahaha! :-)
Post a Comment