Mga Kwentong Kasinghaba ng Tren
Palpak!
Nakasakay din kami pero ang masaklap wala kaming nabiling baon. Pag nagkalituhan talagang maligalig di ba? Wala ng time bumili ng baon. So far ang mga nadala naming pagkain ay mga walang sustansyang cupcake, biskwet at tubig. At, paghukay ko sa backpack ko, may isang box pala ako ng candy para sa may ubo, yung may drawing nung Chinese na may ari ng factory sa wrapper (basta pag Chinese product siguro laging may portrait ng may-ari sa packaging). So yun lang ang baon namin. O di ba, pang lamay! Anyway, walang magawa that time kaya enjoy na lang ang biyahe kahit gutom.
May mga naglalako ng pagkain na nasa super slim carts. Halos 2 feet lang ang kitid ng daanan sa tren sa sleepers' section pero paroon at parito ang mga food cart ladies na, eto ha, naka highheels. Mga kakaibang pagkain nga lang ang tinda nila, tipong mga vacuum-packed chicken feet for merienda. Ayun hotdog at orange juice na lang binili namin at maanghang na noodles. Na-challenge ang pagka-bicolana ko!
Masaya naman sa tren. Marami kang makikilalang bagong kaibigan. Friendly ang mga Chinese, parang mga Pinoy din. Kapag narinig ka nilang nag iinggles curious sila kusa silang nakikipag usap. Syempre dapat smile ka lagi para ipagbunyi ang pagiging friendly ng Pinoy. Kailangan friendly talaga, lalo pag walang baon haha! At dahil mahaba ang biyahe may mga maliliit na kwarto at may mga higaan with matching pillows and comforter for each bed. Malas mo lang pag dun ka napunta sa higaang kasing-taas ng third floor. Ala Spider man ka muna bago matulog. Ala Batman naman pag kagising. Pag nahulog ayun… Superman!CAPTIONS:
Photo 1 - (top) Walang makain kundi cupcake pero enjoy naman sa view.
Photo 2 - (middle-right) Salubungan ng super slim food carts na tulak ng mga naka high heels at fully made-up na tindera.
Photo 3 -(above left) Mga naging kaibigan namin habang nasa tren.
10 comments:
Nagawa ko na ang pagiging Spiderman at Batman sa isang lumang Ukraine tren...susmaryosep, naging stuntwoman ako bigla. LOL. Sana naman di ka nahulog, Gigi! Mukhang malinis yung train dyan a, ang saya! Kaso walang baon na desente.... Buti na lang friendly ka. LOL.
Ghie, sana ma-repost mo ito sa Oikos Online kung puede with the link to your missions stories sa website mo. Thanks!
oist nakalimutan mo ikwento 'yung pabalik standing only at yung lipat from car #17 to car #3...
wow muntik ko na akong mag-darna that time para makuha kau sa car#17...take note mga readers nsa car#14 yata ako noon kasi magbabayad ako ng transfer fee lilipat kami...e hindi ko nadala ang bato ni darna kaya ayun balik sa car#17...pero nag-abot kami sa may gitna sinudo sila ni batman...
ang layo ng car#17 to car#3 probably from makati med to edsa..bka mas mahaba pa...with matching bagahe kami at isang metro na dadaanan plus mga gremlins nsa gilid...tabi tabi po...hehehhe...
to top it all...it was really fun; your faith and patience will be tested...Indeed our God is faithfull and good all the time...
glenn...a.k.a darna
sabi ni gigi papunta namin wala kaming desenteng food...sa pagabalik namin, yung kasama namin nag-prepare ng food with complete set pa (fork,spoon, plate at cups)...basta ala fine dining ba..hahaha...that was cool...
glenn
jayred, napost ko na. may note na saying sorry kasi its in tagalog. at may parinig sau haha!
re ur ukraine train trip, sabi na nga ba superhero ka din e! haha!
glenn, aba inunahan mo pa ko magkwento. next post na yun haha! sin-bilis mo naman si darna e ;-D
Gigi
ate gi!!! ikaw ba yan? Grabe, you look better ah. hahaha. pano kang pumayat ng ganyan? ü Anyway, nakakatuwa naman ang trip mo sa China. Sama ako minsan. ü
Ano na? Di na natuloy yung 2nd date natin. Sayang ako pa naman ang taya dba? hahaha. See you soon ate gi. mis na kita. God bless.
apold, o ano? musta na? sige magddate din tau? missu2 :-D
I enjoyed reading your post. Panalo sa kwento at kakwelahan. Lol! Hope to read more from you. God bless! :D
Btw, got here from Oikos Online. Kudos!
Amazed ang mga foreigners sa Pinoy at sa english natin. Nagtataka kasi sila, for a 3rd world nation, we have a good command of the english language. Syempre, sa dami ba naman ng dayuhan na dumaan sa bansa natin, how can we not adapt?
pat, ako din na-amaze e! pagdating sa pag eenglish sa asia medyo stand out nga ang mga pinoy. pansin ko din yan, ang pinoy magaling mag adapt. i guess may positive effects din pala ang daang taong pagsakop ng mga dayuhan.
Gigi
i miss reading your blog. hmmm.. nice pic got a new homeblog pala. switsoul.blogspot.com palitan mo na un LOVE+HATE.
daan ka dun! =)
Post a Comment