Blumentritt Station na po...
Ang sikip sa LRT kanina. Ito ang mga pagkakataon na talagang pambihira ang siksikan. Sobrang sikip na kahit di ka humawak sa "safety handles" hindi ka matutumba. Sobrang sikip na kahit makati ilong mo, hindi mo makakamot. Sobrang sikip na wala kang makikitang view kundi ang mukha ng kaharap mo. Sobrang sikip na kung sa pagsakay mo 36B ka, pagbaba mo 32A ka na lang!
Ang tagal ko ng sumasakay dito, mula pa nung nasa elementary ako at dala ko'y napakalaking bag na may mga notebooks, projects at baong kanin. Token pa noon na halagang 2.50Php ang hinuhulog sa entrance. Ngayon may trabaho na ako, ang laman na ng bag ko ay make-up, cellphone at PDA. Electronic card na halagang 15.00php na ngayon ang ginagamit. Siguro kung nakakapagsalita lang ang mga bakal na hawakan, matatandaan nila at babatiin ako.
Kailangan ilayo ko sa isip ko ang hirap na dinaranas ko. Kaya siguro ganoon na lang ang mga iniisip ko habang nakikipagsiksikan. Mabuti nga iyon dahil naaliw ako, malayo pa kasi ang istasyon ko. Tips lang sa mga di sanay sumakay ng LRT kapag ganito katindi ang siksikan.
1. Sa pagpasok pa lang humanap na ng magandang "spot". Isipin lagi na marami pa ang sasakay kaya huwag pumwesto sa madalas dinaraanan.
2. Kapag nakahanap ng pwesto, huwag mong hayaang maagaw sa'yo. Itutulak ka at sisindakin ng mga katabi mo pero huwag na huwag kang bibitaw sa hinahawakan mong handle.
3. Ingat sa mandurukot. Ilagay ang backpack ha harap.
4. Huwag mainit ang ulo. Sa ganitong sitwasyon iritable at palaban na ang lahat. May magtutulakan at magpapalitan na ng maanghang na salita.
5. Alalahanin lagi na paupuin ang mga matanda at buntis. Sige ka mabubuntis ka rin at balang araw tatanda ka rin. Babalik sa'yo ang mga ginawa mo.
6. Itawa mo na ang ang hirap na nadadama mo. Isipin na lang na dadating ka din sa istasyon mo.
Kapag ganitong sitwasyon masarap talaga pagbigyan ang init ng ulo. Ang sarap sisihin ang kung sino-sino. Pero kahit ganitong masikip at mahirap mag-LRT, nagpapasalamat pa din ako dahil may ganitong uri ng transportasyon dito sa Maynila. Isipin mo na lang kung ganito lumang tren pa din ang ginagamit natin papuntang sa school o sa office hehe... Pero ok lang siguro, kakaibang experience pa din ang sumakay sa ganitong tren.
"Blumentritt station na po", sa wakas narinig ko na din sa speaker system. Ang tagal kong hinihintay na marinig yun. Salamat, makakababa na rin!
7 comments:
fwede falang mag-ficture sa station? kala ko vawal? hehe. :) ayos ang mga tips.
ang personal tip ko:
pag ikay'y late, matutong sumingit. ahehehe.
Ang hirap pag ganyang ka-sikip as you described, yung mga manyakis nanananching! Ilang beses na ako nachansingan dyan sa LRT a! Cute siguro kasi ako. LOL. :-)
Ganda ng blog entry nito, Ghie! Continue writing like this. Na-miministeran ako e. (O di ba? Ini-spiritualize pa.) Dito kasi sobrang seryoso ang mga tao, kaya siguro maraming naloloko. Ayan tuloy, meron dito sa neighborhood na housing for the mentally handicapped. :-)
Keep up the good work. God bless!
Sabay tayo sa next adventure sa LRT... hehehehe...
oist dan, fwedeng-fwedeng, lalo pag meron kang spycam na katulad ng cam ko hehe... (pero di ko kuha ito :)
ate jay, blessed are the uncute for they shall not be chansing-ed hehe! natuwa ako naministeran kita in different way hehe.. salamat ate jay, na-encourage din ako (naministeran mo din ako)
apoldu, lagi naman diba?! *wink*
Bago ako umalis ng Pinas, natuwa ako kasi kahit "konti" nagkaroon ng improvement ang LRT.
Nakahiwalay na yung mga babae sa lalaki. Natuwa tuloy ako at nakasakay ako ng mga 3 beses bago ako umalis. Iwas chansing at mandurukot. (pwera lang kung babae yung mandurukot, hehe)
hello sunshinepinay, tnx for dropping by! iwas chansing? pano kung babae ang nanananching? hehe.. merong ganon, promis! :-)
mis na mis ko na ang makasakay sa LRT at MRT...sana sa sunod kong pag uwi ay masamahn mo akong sumakay gigi... musta ka na:)- sa january 12 na naman angh uwi ko diyan sa atin.
Post a Comment