Wow, sosyal!
Isa sa mga maling akala sa aking pagkatao ay "sosi" daw ako. Sosi as in sosyal or belonging to the high society. Yung tipong di kumakain sa fastfood, di sumasakay ng jeep, pa-ingles-ingles at mga branded clothes lang ang mga sinusuot. Hindi ako sosyal, bigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag.
Hindi ako sosyal. Hindi lang talaga ako mahilig sa fastfood lalo na sa Jollibee. Nagtrabaho kasi ako dati sa Kumpanya ng Dambuhalang Bubuyog na yun kaya kapag naaamoy ko ang mga burger nila medyo nawawala ako sa ulirat at feeling ko crew pa din ako. "PC! Y1, Spag1, Fry1 please!" (with please pronounced as pless) Sige nga, subukan mong amuyin ang mga produkto nila araw-araw sa loob ng anim na buwan. Tignan natin kung hanap-hanapin mo pa ang Junior Champ at Chicken Joy!
Hindi ako sosyal. Hindi lang talaga ako masyadong sumasakay ng jeep kasi ramdam ko na maraming akong nasasagap na polusyon. Mas marami ding insidente ng holdap sa jeep lalo na sa Taft kung saan ako dumadaan. Kaya naman handa akong magtiis sa mas mataas na pasahe sa FX, bus at LRT. Naniniwala ako na sa bandang huli, mas mahalaga pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng baga ko kaysa sa perang matitipid ko.
Hindi ako sosyal. Minsan lang talaga kailangan kong mag-ingles. Sa lugar na pinagtatrabahuan ko maraming foreigner, at sa katunayan, foreigner ang bossing ko. Aminin man natin o hindi, ang mundong ginagalawan natin puro ingles ang ginagamit na salita. Nakakita ka na ba ng Microsoft Word na tagalog, o di kaya Photoshop na tagalog? Di ba ang google.com sa umpisa lang tagalog, pero kapag nagsearch na puro ingles pa din? Ang salitang toothpaste tagalugin mo nga! Gamitin sa pangungusap!
Hindi ako sosyal. Yung mga damit kong branded, karamihan ay pamana lang ng mga kaibigan kong tumaba at di na magkasya ang mga nabiling damit. Yung iba naman mga regalo o bayad sa pabor. Minsan naman may mga kaibigan akong natutuwa lang talagang damitan ako ng kung anu-ano, na ikinakatuwa ko rin naman. Yung mga make-up kong branded, bigay din lang ng iba't ibang taong nagkamali sa pagpili ng kulay at tiyempo namang tama ang kulay para sa akin. Nakamamangha na binigyan ako ng Diyos ng ganitong mga kaibigan. Totoo ang sinabi sa Biblia, na kung ang mga bulaklak at damo dinadamitan ng Diyos, tayo pa kayang mga anak niya.
Simple lang. Hindi dapat mahal ang presyo para maging maganda at maging masaya.
Me (left) with friends, Jhuny and Geraldine at Dolphin Park in front of G4. I'm wearing a P90 black knitted blouse from an Ukay-ukay, P70 semi-leather brown newsboy cap from Tutuban, P50 silver dragonfly earrings from Recto. Taho P5 (not seen in picture)
Simple lang naman ang mga trip ko. Hinahanap-hanap ko ang sago at gulaman, tokwa't baboy, lugaw at fishbol. Trip ko din kumain ng kropek sa Dolphin Park sa harap ng Glorietta 4. Swerte pa kapag dumaan ang magtataho. Masaya din kasama ang mga kaibigan sa likod ng FX. Magkakaharap kayong magkwentuhan at magtawanan habang ang ibang pasahero ay imbiyerna na sa ingay ninyo. Masaya din mamili sa Tutuban at Ukay-ukay at tulungan ang mga kaibigan mong medyo hirap pumili ng dapat nilang isuot sa araw-araw. Masaya rin when you speak english in typical jologs fashion. So now, what do you think of me? (Thinking of you) Still think I'm kinda sosyal. Gosh! What am I gonna do to make others think otherwise of me.
Excuse me, I will C.R. myself.
12 comments:
Kasi naman, Ghie, kahit mumurahin pa yung suot mo sa pic (ok ha at sinama ang price tags...LOL), mukha kang sosyal. :-)
Ako naman, talagang hindi sosyal. Losyang lang. Parang sounds alike na rin di ba?
Happy weekend!
P.S. Mabuhay ang Pinoy Pan de Sal! Parati ako natutuwa sa mga stories mo dito. Blessing talaga. PTL!
... hmmmm, sabi nga ren nila hindi ka daw naman talaga pasosyal eh, but i thought you are but you'v proved me wrong, ikaw pa nga nag-insist na sumakay tayo sa harapan ng jeep remember! kaya para sa 'ken panalo ka!
girlfriend ko mahilig din sa ukay2x... hehe. mukha din siyang sosyal, pero magaling lang talaga siyang manamit...
Sige nga, tagalugin mo ang "Pang ilang presidente ng Pilipinas si Gloria Arroyo?"
di ba tinagalog mo na? ahehehe.
te gi, alam ko kung pano inglesin ung pang ilang presidente... hehehe...
naaliw ako sa dambuhalang bubuyog na article, galing mo magsulat sis....
jayred, thanks ha! soysal at losyang... onga magkatunog hehe.. pero hindi ka losyang, ang totoo elite ka. :o)
almelyn, at sino naman yung mga yun? pasasalamatan ko sila hehe! o di ba, mas masaya sumakay sa unahan ng jeep katabi si manong draybrr. enjoy ako sa kwentuhan natin nun :o)
dante, onga no!!! what i mean is inglesin. kakahiya, edit ko nga wehehe.. thanks ha!
apol, talaga? sige nga, paano? :o)
ate gi idol talaga kita..
i could see myself in you.. hehe..(parang ako pa yung mas matanda noh..) haha.. we almost have the same experiences and well, some views.. i also enjoy ukay-ukay at mumurahing kagamitan.. :-)
astig ka talaga... mana ako sayo.. ganda naten...
nakakatawa hehe ano nga ba ang tagalog sa toothpaste? jayred din natatawa ako sa comment niya. ako din mahilig sa ukay2x, yan naman ang uso ngayon di ba? tama si almelyn, panalo ka gi!
"nth president is Gloria Macapagal Arroyo?" yey! salamat sa communication skill subject ko...
kathy, can't wait to see u!
alps, excited ako sa'yo, malayo pa ang mararating mo. i'm so proud of you! tama ka, ang ganda natin! :-)
turtlepace, salamat ha! when you visit manila, i'll take you to ukay-ukay. :-)
apol, parang yoda grammar ah, hehe..
ganyan daw talaga eh... baka pag pumalag ako makakuha ako ng uno... (failing grade) hehehe...
Post a Comment