Sunday, May 22, 2005

Sarado ba?

"Sarado ang puso mo." Iyan ang mga katagang binitiwan ng Dean of Students namin sa akin. Dahil pauwi na ako noon at nagmamadaling makaalis para maabutan ang huling tren ng LRT, tinawanan ko na lang siya. Pero habang nasa bus ako, parang umaalingaw-ngaw ang mga salitang iyon sa tainga ko.

"O LRT! Yung mga LRT diyan lapit na sa pinto!"

Mabuti na lang malakas sumigaw yung konduktor ng bus at nawala ako sa aking pagkatulala. Kung hindi lalagpas (na naman) ako. Hanggang sa LRT, parang bentilador na naka number 3 sa lakas ang andar ng utak ko. Bakit ba niya nasabi iyon? Ano ibig niya sabihin?

Si Dean of Students ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko ng mga bagay patungkol sa puso. Hindi lang crush at love ang tinutukoy ko kundi ang pangkalahatang kalagayan ng puso. May isang pagkakataon na nag-usap kami ng higit sa isang oras ng nakatayo sa lobby sa harap ng opisina ko. Napapalibutan kami ng sangkaterbang sofa pero, ewan ko ba, sa tagal ng usapang iyon ni hindi ko man lang naisip ang umupo. Ganoon niya nakukuha ang atensiyon ko. Ganoon ako kainteresado makinig sa kanya. Kaya kapag medyo mabigat ang kinakaharap kong mga isyung pang puso, isa siya sa gusto kong makausap. Ganon na lang ang pagpapahalaga ko sa mga payo niya.

"Sarado ang puso mo."

Kaya nang sinabi niya ito, di halos ako nakatulog. Inisip ko talaga ang mga dahilan kung bakit niya binitiwan ang ganitong mga salita. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na joke niya lang iyon pero 'di ba may kasabihan sa ingles na "Jokes are half-meant". At ng gabing iyon, dahil sa sobrang pagod ng katawan, bumigay na din ang utak ko sa kakaisip. Pero bago tuluyang ipikit ang mga mata sanhi ng antok, naitanong ko pa sa sarili ko: "Kung sarado nga ang puso ko, paano ko ito bubuksan?"

Kayo, alam nyo ba?

9 comments:

Anonymous said...

Minsan sa buhay, mas maganda na nakasarado muna ang puso para hindi pasukan ng kung anu-anu..lalo na ng mga bagay na hindi para sayo.Kaysa naman bukas ka ng bukas at papasukan ng kung sino-sino at sasaktan ka lang din naman pala..wehehe..di ako bitter :)

Anonymous said...

ibukas mo din ang mata mo sa paligid, kapag nakasarado ang puso ayaw mo na ring tumingin sa paligid or sa mga posibilidad...wag kang matakot ibukas muli ang mga mata mo at iyong puso

Anonymous said...

anong puso ba ang nakasarado? puso negro? puso ng saging? puso-n? pu(sti)so? ahhh puso sa pag-ibig ba? kailangan bang buksan?para saan ba dapat buksan? ikaw lang naman ang makakaalam kung kailan dapat, depende kung gusto mo at kung kanino, ikaw pa rin ang magsasabi kung gusto mo kung need mo, feel mo, diba? so, dapat bang pag-isipan at ma-bother? depende kung gusto mo lang, ikaw pa rin,ikaw at ikaw, lagi nalang ikaw...(-:

Anonymous said...

So you were bothered about that. I was there when he said that! Bothered?..two options, there was a spot in your heart na nasaling and in your brains, na you refused to think about in the past.
And why you need to close it? You are still young...the problem is peer pressure. Talk to people who are open, experienced and relax to discuss things like this, so you will get positive influence about your feelings right now. (Oist Leinie, wala namang bitterness, "yan?)
Remember, million of couples around the world, do not have the same love story. God is a God of history, and He can make a history (that you can call your own) out of your love story.
So, why close it? why in a hurry? why pressure?
I think you are mature enough to let your heart open and to handle things. You have experienced to open your heart before, right? Isn't amazing how God put two people together? Move on, Marrying type!

Anonymous said...

Siguro kailangan mahanap muna ang susi. :-)

shing said...

ate gi, sabi sa "love" ni leo buscaglia, "One cannot admit what he does not yeild to. To yeild to love, you must be vulnerable to love." So in a way, tami si P.S. And in a way, tama din si Ate Glecy. Ikaw lang ang nakakaalam kung kelan at kung kanino mo bubukd=sang muli yang maganda mong puso. At Alam kong maganda yan. ;) Love the world. Love to love.

Anonymous said...

sa pananaw ko, ke bukas at sarado man ang puso, patuloy pa rin tong magmamahal. isasara mo for what? dahil takot kang masaktan?ang natatakot lang masaktan ay yung mga nagmamahal pa din.pag binuksan mo puso mo, di naman nanngangahulugang masasaktan ka lang..di kailanman makakamtan ang nais sa nakasarang palad o puso man..patuloy kang magmahal..ang pusong nasasaktan..mas lalong masarap magmahal dahil ang pagmamahal na natutunan ay galing sa patuloy na pakikipagsapalaran ke masakatan man.mabuhay kayong mga puso ay patuloy pa ring nagsisipagbukasan!!!patuloy tayong magmahalan!! to lang ang kaya nating pananggalang sa mga presyong tunay namang nagtataasan!

Mel said...

... "do not awaken love until it so desires" nasa Songs of song 'yan. He!he!he! hindi ako pedeng mag-salita ng madame, wala akong moral integrity pagdating sa mga ganyang mga bagay-bagay ha!ha!ha!

Anonymous said...

Hi, Ghie! Sige, join ka ng "Yan ang Pinay" campaign. The HTML codes can be found here:

http://filipinolibrarian.blogspot.com/2005/05/filipina-and-yan-ang-pinay.html

Join ka para alam nilang may sosyal na Pinay blogger, hehe. :-)

Happy weekend!