Sunday, February 22, 2004

Iboto!

Nakatuwa ang mga Pinoy! Tuwing panahon ng eleksiyon nagkakagulo sila. Nagapapanic ang lahat, nag-aaway-away, nag-sisiraan (teka, anong dapat ikatuwa doon). Hindi ko pa alm kung sinong iboboto ko. Hindi yata ako pwedeng bumoto dahil di ako nakapag-paregister. Ang gulo kasi ng Kapitan ng Baranggay namin, akalain mo, bigla na lang nagkaroon ng registration. Nung malaman namin na registration pala ng araw na iyon, aba, e alas tres y media na! Sabagay, wala na tayong magagawa diyan, tapos na e. Hindi din naman yata ako makakaboto talaga kahit nakapagparehistro ako. Wala naman yata ako sa Pilipinas sa Mayo. Iba lang ang nararamdaman ko ngayon, hindi ako pwersadong mag-isip kung sino ang iboboto ko. Maraming karakter ngayon ang kumandidato para sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa. Medyo pumapanig ako sa tatlong ito: Gloria, Roco at Bro Eddie (JIL hindi GIL). Si Gloria gusto ko kasi marami na siyang nagawa in just a span of... (oops, tagalog pls.) ...marami na siyang nagawa sa loob lamang ng mahigit na dalawang taong panunungkulan. Gusto ko rin maipagpatuloy niya ang mga programang naitaguyod niya ngunit di pa natatapos. Kapag kasi iba ang naging pangulo maaring hindi matuloy ang mga magandang programa niya, sayang. Maraming balita tungkol sa kanyang asawaat pangungurakot nito ngunit di naman ito napatunayan. Ganun din si Gloria maraming paninira ang mnaririnig ko sa kanya na maaring totoo ngunit pinalaki ako ng aking mga magulang na hindi nakikinig sa mga sabi-sabi, mag "raw at daw". Wika nga sa ingles "innocent until proven guilty". Si Roco naman, bukod sa Bicolano siya (kababayan), strikto ngunit maayos siya magpatakbo ng mga iniatang sa kanya. Maganda ang nagawa niya sa Kagawaran ng Edukasyon nung siya pa namumuno doon. Marami din siyang natapos at maraming natanggap na mga parangal sa larangan ng akademya. Halos pareho sila ni Gloria. Hindi natin maikakaila na mahalaga ang tapos sa pag-aaral (di ba, FPJ). Wala akong makitang pintas kay Roco maliban lamang sa pagiging mainitin ang ulo. E, ano kung mainitin ang ulo? Basta huwag kang gagawa ng desisyon habang mainit ang ulo mo dahil kadalasan mali ang desisyon na iyon. Marami din daw siyang kinurakot nung siya ang nanungkulan sa Kagawaran ng Edukasyon pero tulad ng sabi ko isa lang iyon sa mga "daw" na hindi ko maaring paniwalaan. Si Bro. Eddie naman ang pinakabago at pinaka matunog na kandidato sa mundo ng sangkakristiyanuhan. Marami din naman siyang natapos ngunit di singdami ng kina Gloria at Roco. Siya ang namumuno sa isa sa pinakamalaking samahan ng mga kristiyano, ang JIL. Moralidad naman ang kanyang isusulong. Gusto ko siyang iboto ngunit sa aking palagay (sa ngayon) hindi niya kayang iangat ang ekonomiya ng Pilipinas. Kung nabubuhay ka sa isang lugar na ginagalawan ng mga kristiyano, expected nialng iboto mo si Bro. Eddie. Pero ewan ko, gusto ko siya bilang ispiritual na leader pero pangulo ng bansa, hmm, hindi pa ako kumbinsido... sa ngayon.