Deleting Friends
According to Alexa.com list of Top Sites Philippines, Friendster is the number one most popular site in the country. The site is described as "a leading global social network emphasizing genuine friendships and the discovery of new people through friends. Search for old friends and classmates, stay in better touch with friends, share photos and videos, and so much more."
For the past few weeks, I was seriously contemplating on deleting my Friendster account. I went through all my "friends' account" one-by-one and noticed that I don't even know some of the people on my friends list. To think that I over-shared my personal information with them was unthinkable! How did that happen?
Tagalog naman please.
Naalala ko kasi noong 2003 medyo insecure ako kasi iilan lang ang "friends" na connected sa akin sa Friendster. Akala ko kasi kapag kaunti lang ang friends sa Friendster account ko e kaunti rin ang friends sa totoong buhay. Duh! Hellooo! [untog ulo sa laptop]
Sorry. Tao lang. Immature kung minsan.
Kaya approve-approve lang kahit sinong mag add. Feeling ko sikat ako kasi ang dami ko nang friends. Hanggang mamalayan ko na lang na nagbabahagi na pala ako ng personal na impormasyon sa mga taong di ko naman masyado kilala. Masama pa doon dahil iyong iba ay hindi ko talaga kilala!
Nitong nakalipas na mga linggo parang medyo mataas sa normal na bilang ang profile views ko. May stalker na yata ako hehe! Nakakatawa pero parang nakakatakot din. Dahil dito at sa iba pang mga dahilan tinanong ko ang Mama ko.
"Ma, i-delete ko na kaya itong Friendster account ko?"Sagot naman siya.
"Huwag! Masaya naman ang Friendster."[Ma, ikaw ba yan?]
Siguro naiinis lang ako sa coding ng Friendster kasi madalas error, mabagal at invalid links ang lumalabas. Lagi siguro absent ang mga programmers nila. Naiinis din ako kapag maraming nakikitang mga makintab at kumukutitap na mga graphics. Kaya nahilo ako sa MySpace hahaha! Paumanhin po pero para sa kin it is visually offensive. Dala siguro ng profession ko kaya hindi ko matagalan ang mga ganyang bagay. Ang totoo nyan parang nababaduyan na ako sa site.
Pero para sa isang taong tulad ko na kailangan "always in-touch with friends" ang personality, nahihirapan akong magdesisyon kung idi-delete ko ang account ko. Titimbangin ko muna kung anong magandang naidudulot sa aking ng Friendster -- kung meron man talaga. In the meantime I will clean up my account. Ang mga hindi ko kilala at hindi ka-close ay i-disconnect, lalo na ang mga kahina-hinala hehe! Malalaman kaya nila yun? Sana huwag ma-offend. Pwede din naman gumawa ulit ng bagong account. This time I will only invite my real friends. Basta bago matapos ang taon na ito mag dedesisyon ako. [kumplikado ba at ang tagal pag iisipan]
Walang kwenta naman itong problema ko hehe! Mas marami pa kayang importanteng bagay sa mundo!
9 comments:
gigi you can delete lang naman those people na di mo kilala. no need to delete the whole account. ako nga din magfe-friendster cleaning. come to think of it... some of my friends there are really no more but strangers.
Ah talaga? Thanks, Ronnie ha. Ikaw din pala ganun.
Gigi
I never liked Friendster. And I don't really know why. Siguro kasi it sounds like Monster? LOL
Seriously, parang mas maganda ang Multiply di ba?
Jayred, I like Multiply's function na pwede ka mag upload ng music on your blog and your friends can download it. File sharing. Yun ang ginagamit namin ni Sarita for music sharing hehe...
I'm now using Facebook. Ang ganda ng coding nya, mabilis ang labas ng mga pages. Pero I'm still exploring pa.
noong isang taon halos hindi ko ma check ang friendster account ko sa isang buwan, ngayon halos araw2x na! hehe palaging nag a-update ng profile, add ng friends, etc. kasi nung nakita ko na may mga background2x na ang mga friends ko, i felt na napag iwanan ako sa uso! 200+ na ang mga friends ko, pero iilan lang ang totoo kong kilala.. accept lang ako ng accept kahit di ko kilala kasi baka masaktan ang loob ng hindi ko kilalang tao hehe. mag de-delete nga rin sana ako kaso parang hassle gawin eh, at saka, may mga ibang friends na hindi real name nila ang ginagamit baka ma-delete sila. the best thing to do would be to create a new account ate gi!
hi gigi,
mas maganda nga magcreate ka na lang ng bagong account. or pwede namang pareho - cleaning and creating a new account. madali lang magdelete, at nadidelete din name mo pala sa kabila when you do this. so if you have say 200+ or 300+ in your list, tapos di naman kayo magkakilala, siguro u or they won't even notice it di ba?
medyo boring na nga friendster. unlike facebook na me mga interactive tools tulad ng gifts, games, at kung anu-ano pang pakulo.
Yeah, I heard Facebook is nice. Pero since I'm not the social networking type, I guess I won't get an account.
Hi Nikki! Ikaw din pala, accept-accept type hehe. I am seriously considering your advice. Thanks!
Ashley, fun talaga ang facebook, di ba? Ang bilis at ang linis pa ng coding and interface nya. I really like it.
Jayred, medyo private person ka nga. Pero parang hindi din naman masyado haha!
About Facebook - at first i just accepted the invite kasi curious ako. It turned out ok pala. I accept and invite people that are really my friends.
I use Facebook to keep in touch at pang kumusta talaga. Minsan pangkulit ko lang kasi interactive din.
Post a Comment