Mas maganda ang mapuputi
Dito sa Pilipinas pag maitim ka di ka cool. Fanget ka. Di ka makinis! Di ka mayaman. Di ka mukhang mabango! Hahaha! Well I can only say one thing! SO WHAAAT?!
For the past years parang obsessed ang mga pinoy sa pagpapa-puti ng balat nila. Lalo nung lumabas ang mga advertisements ng products na skin whiteners. Siguro naramdaman ng mga kumpanyang ito na may malaking demand sa products nila. Kaya heto nagkalat lahat ng skin whiteners. Bilihan naman ng bilihan ang mga pinoy, wala silang pakialam ke may BFAD approval or ginawa lang sa likod ng bahay ang produktong yun.
Nagtaka lang ako kung bakit tayo ganito mag isip. Siguro noon pa talaga ito nung panahon ng mga Kastila. Kapag mestiza (fair-skinned) ka noong 1600's to late 1800's, considered mas maganda ka at nabibilang ka sa alta sociedad. Kasi may lahi kang Kastila. Ang mga maitim noon e mga Indio or natives, tayo yun. Di pala tayo cool noon. Hanggang ngayon ganon pa din ang pananaw natin sa mga sarili natin.
In most Western countries, people prefer to have a darker skin color. Ang mga tao nagbibilad sa beach para makakuha ng tan. Kasi ang pananaw nila kapag may tan galing sa bakasyon at can afford mag-bakasyon sa tropical countries. Kapag tan ang skin mo mo rich ka!
Dito sa Pilipinas kapag pupunta sa beach, kung pwede lang mag long sleeves habang lumalangoy siguro gagawin natin para huwag lang umitim. Kasi pag umitim ka baka mapagkamalan kang dukha.
Mas maganda ang mapuputi.
Sinong nagsabi? Ang mga kumpanyang gumagawa ng skin-whiteners.Isipin mo. Kung pangit ang maitim ibig sabihin nagkamali ang Diyos sa paglikha niya ng mga negro? Di naman ako namimilosopo o nagpapaka-ispiritwal. Pero kung ganun e di ibig sabihin ang mga negro ang pinaka pangit na nilalang sa mundo?! Walang pangit na nilikha ang Diyos. Ang alam ko marami lang ang biased.
Bakit nila ito sinasabi? Syempre para bilhin natin ang mga produkto nila.
Paano nila sinasabi? Nagbabayad sila sa mga ad agencies para gumawa ng advertisements to boost product sales. Sa pamamagitan ng advertisements na napapanood mo sa tv.
Kanino nila sinasabi: Sa mga pinoy na likas na brown skinned. Syempre dapat targetin ang greater number of the population para mas marami ang benta. Ilang percent lang ba ang maputing pinoy? Konti lang siguro- baka wala pang 20%.
Paano gumawa ng advertisement? First you create a need. In this case ganito: "Kailangan mong pumuti kasi pangit ang maitim." Dapat maputing model ang gaganap. Then you introduce the product: "Ito ang bilhin mo - ang xyz skin whitener. Ito ang ginagamit ko." Tapos mag lagay ka pa ng benefits: "Gaganda ka din pag ito ang ginamit mo." Dagdagan mo pa kasi 30 seconds ang ad: "Maraming lalaki ang magkakagusto sa iyo pag ginamit mo ito." At naniwala naman tayo! Ayos. Benta na! Lalong yumaman ang Unilever hahaha!
Sabi dun sa isang nabasa ko sa First Samuel. "Man looks at the outside appearance, but God looks at the heart." Di totoo na mas maganda ang maputi. Ang tunay na mas maganda yung maganda ang puso.
6 comments:
This is very true! Kung sino pa ang maiitim sila ang nagpapaputi. Kung sino naman ang mga mapuputi sila ang gustung-gustong umitim. I remember an interview with a fil-american model, he said he is very concious about his tan because he hate being a white boy. Haha! As usual, wagi ang post! ;)
pinoypandesal, pwede ka nang writer sa Word 4u 2Day! :) One time, mag-feature tau ng Pilipino writers. :) Kewl! :)
you right good. =)
do filipinos really cover themselves up when they go to the beach? i don't think so. tanning parlors are in in the country. and summer is the time to flaunt tan lines. =)
i think whitening products will always be in though. the market is the discontented filipinos. but let's not forget to notice the great number of filipinos who have already realized tan is beautiful. =)
i got ur link from my boyfriend dan. nice find. =)
jaja
http://orangeposh.blogdrive.com
kaya nga ako nag-asawa ng amerikano...para sa kanya, ang ganda-ganda ko! Modesty aside, before naman ako nag-asawa for the 2nd time, me mga binatilyo (as in teenagers) at older men alike naman akong nakakasalubong sa kalye na binubulungan ako ng "Miss pwede makipagkilala?" Eh 2 na anak ko nun (byuda ako nun eh)...di syempre isnab ko sila...)
lovely post. sana mabasa ng lahat ng maiitim AT mapuputi. and hopefully we all take it to heart. i never got what the preoccupation was with having/keeping fair skin. dito nga sa US nagpapa-ka-cancer ang mga puti para lang maging tan. baligtad talaga ang mundo. the grass is always greener on the other side.
thanks po sa mga comments ninyo :-)
Gigi
Post a Comment