Saturday, September 02, 2006

Change, Pain, and Growth.

May bago akong office. Ang totoo, di na sya gaanong bago dahil halos mag-dadalawang buwan na ako. Ganito naman ako ngayon puro panis na ang balita haha! Umalis na ako sa dati kong trabaho, hindi dahil ayaw ko na dun. Ang totoo nyan gusto ko lang magbago ng medium. Hindi ito size na medium ha kundi medium of communication. Gusto ko lang mag-upgrade ng skills at syempre mag-evolve. Di ba paminsan-minsan maganda yung may pagbabago. Sabi nung dating boss ko "When there's change, there is pain..." Pero di pa dun nagtatapos yun. Dugtong pa niya "... and when there's pain, there is growth." Basta parang medyo ganun yun. Pero malaman ang sinabi niya at mahirap mabura sa isipan ko.

1 comment:

Jayred said...

...And when there's growth, there's progress.

Parang walang dating, pero alam mo na ibig ko sabihin, Ghie. LOL.