Wednesday, February 23, 2005

Thou shall not covet
thy neighbor's pod



Kanina sa FX, may kasakay akong mama na bigay todo sa pagpapainggit ng I-pod (mini) niya. Ang I-pod ay ang MP3 player ng Macintosh na halos kasinglaki lang ng kahon ng yosi pero ang 4G ang kayang ipunin sa memory niya. May kasama pa itong games! Minimalistic ang disenyo at sobrang simple ng interface. Di maipagkakailang may HD (hidden desire) ako sa kanya. Linawin natin ha, dun ako sa I-pod may HD, hindi sa mama.

Alam ninyo, medyo maayos naman ako - mabait naman kumpara sa karamihan. Hindi ako tumatawid pag naka-red light, kahit minsan mukha na akong tanga na naiwan mag-isa sa kalye, tumawid na kasi lahat ng kasabay ko dahil wala namang sasakyan. Hindi ako nagtatapon ng basura sa kung saan-saan lang, kahit na isang oras ko nang dala yung disposable cup na pinag-inuman ko ng sago sa Luneta, hangga’t di ako maka-ispat ng basurahan di ko tatapon yan. Tumitigil ako ng paglakad sa mall pag tinugtog na ang Lupang Hinirang, walang kaso sa akin kahit mukha akong nawala sa sarili dahil sa biglang paghinto sa mabilis na paglalakad. Binabalik ko ang sobrang sukli kahit masungit yung kahera na nag-kwenta ng pinamili ko sa grocery.

Pero may isa akong problema. May masama akong ugali na matagal ko nang gustong tanggalin.

Inggitera ako.

Inggitera ako sa mga gadgets na gamit ang makabagong teknolohiya. Inggit ako sa laptop ng boss ko. Inggit ako sa Pocket PC ng kaibigan kong Aleman. Inggit ako sa camera ng katrabaho ko. Inggit ako sa wi-fi connection ng opisina namin. Ang dami kong kina-iinggitan tech gadgets. Ewan ko kung saan nagsimula ito, at hindi ko alam kung kailan mawawala.

Mabalik tayo sa mama. Nakahalata yata na tingin ako ng tingin sa I-pod nya. Kaya naman tipong bawat kanta ilalabas niya sa bulsa at sabay adjust sa volume. Ang yabang ng hinayupak! Ang akala niya siya ang tinitingnan ko. Nag-feeling guwapo tuloy! Hello!!! Mas guwapo pa sa kanya yung I-pod niya kahit sampung beses itong mahulog at masagasaan ng taxing bulok.

WhaPak! *sampal sa sarili*

Kitam! Kapag may inggit sa puso, pumapangit ang ugali, sumasama ang pananalita. Kaya gusto kong matanggal ‘to. Pagdasal naman ninyo ako ha. Wala naming ginawang masama yung mama, hinusgahan ko na kaagad, pinag-isipan ko ng masama. Haay!

Pero ang yabang talaga niya e...

8 comments:

Anonymous said...

Funny ito! LOL.

Sige, ipagprepray kita.... :-)

P.S. Ang yabang naman din kasi noong mama e. BTW, type ko basahin ang mga ganitong kwento mo in Tagalog. Kakamiss magsalita ng Tagalog, grabe!

Pinoy Pan de Sal said...

Haha! Thanks, so far medyo nababawasan na ang pagka-inggitera ko sa mga gadgets.

Oo, nkakamiss magtagalog. yan din ang nararamdaman ko dito sa ascm hahaha :oD

Anonymous said...

LOL! Oo nga pala...spokening dollars sila sa ASCM. :-) LOL.

Dito, di uso ang Ingles. Feeling ko minsan parati akong nag-iispeak in tongues. :-)

God bless!

P.S. Sulat ka pa rin ng Tagalog!

turtlepace said...

funny story! mga pinoy talaga, mahilig mag joke3x..hehe you'll get your own iPod someday =)

Anonymous said...

hehe... you're very funny... :)

pareho tayo... i never throw my trash just anywhere. i always look for a trash can to throw them in, no matter how small they are. i also don't cross the street on a red light, even if there are no cars passing by and all the people are going ahead of me. same when i'm driving, i always wait for the green light. :)

but i don't get envious of other people's hi-tech gadgets.. hehe :) you can say that i'm no techie, or i don't have any interest in techie stuff. i guess that's a blessing for me.

Anonymous said...

saan pala ang ASCM? :)

Pinoy Pan de Sal said...

hi dante! thanks for visiting, dalaw-dalaw ka lang dito ha! I'm still controlling my envy of techgadgets hanggang ngayon. minsan its a good thing kasi it drives me to push for excellence.

ASCM is in Valero St. Makati City, landmarks are RCBC Plaza, Cityland 10 and Shell Station. welcome kayo dito! :o) www.ascm.net

Anonymous said...

i'm not from manila, i'm from cebu. :) seminary pala ang ascm. i went to the site and it's very interesting... :)

of course! i'll keep on visiting... :) you're blog is a lot of fun.. :) hehe.. you write well and your pictures (in Flickr) are very beautiful. you have an eye for beauty... :)

God bless.